Lagi’t lagi para sa bayan? O mas tugma na Lagi’t lagi para sa sarili?
Nagbabalat kayo na progresibo ngunit bago pa lamang mahalal sa pwesto ay nagluluto na upang makaupo at manipulahin ang mga lider estudyante. Pinaniwala ang social media na ang kanyang tinitindigan ay para sa kapakanan ng mga estudyante ngunit sino nga ba ang nakinabang sa lahat ng kanyang binabato sa mga kapwa nya liderato?
Kung tunay na ang puso ay sa paglilingkod sa kapwa estudyante…bakit puro mga kadikit at kakampi lang ang binibigyan ng pagkakataon na makalahok at makibahagi sa mga oportunidad na dapat ay patas ang pagpili? Bakit napagkakaitan ng boses ang ibang lider estudyante? Bakit kinokontrol ang kapwa estudyante na siraan ang ibang estudyante? Parang diktador na naguutos sa mga kahanay na tama lang na pagtawanan, usigin kahit na mali ang paraan, at magbigay ng hatol sa pagkatao gamit ang isang parte ng istorya na siya rin mismo ang nagluluto. Puro pa parinig sa kanyang soc med kahit hindi na nakaupo.
Porket hindi tumakbo ang estudyante na gusto niya na sumunod sa position nya ay puro paninira at parinig na naman sa social media. Puro pangbabatikos pero kung susuriin natin lahat… sapat ba ang kanyang nagawa nung siya ay nakaupo? o sapat lang sa mga taong kampi sa kanya dahil nakikinabangan sila sa bawat isa? May nagawa ba sya na makikinabang ang mayorya? o kinagiliwan na lang dahil sa isang aktibidad na nagpasayaw sa gitna ng eskwelahan. Naipaglaban nga ba ang karapatan at nararapat sa mga estudyante? o patuloy lang yumuyuko sa loob para hindi matanggal sa pwesto?
Kung tunay na siya ay lingkod bayan, siya ay dapat na nag resign nung bumagsak siya sa kanyang subject at hindi na ka graduate. Hindi sya dapat parangalan dahil hindi nararapat para sa kanya ang titulo. Namanipula man niya ang ibang estudyante ngunit ang pagkakataon ang naniningil sa pagiging mapagbalatkayo niya.
Labag sa policy ng ssc ang manatili sa pwesto na may bagsak ngunit siya ay hindi bumaba. Pagkatapos ng patong-patong na pag impluwensya sa mga estudyante ng cyber bullying at patuloy na paninira sa kapwa estudyante. Matatawag ito na pagkakorap sa kapangyarihan. Higit sa lahat, nararapat na bawiin sa kanya ang titulo dahil alam niya ang batas pero binali niya ito at tumanggap ng karangalan bilang pangulo ng ssc na dapat ang kanyang bise na ang tatanggap at mauupo.
Ngunit… siya ay maingay lamang kapag ang ibang tao na ang nagkamali pero walang pananagutan sa kaniyang sarili.
Ang mga ganyang tao na nagbabalat kayo na progresibo ang sumisira sa tunay na kahulugan ng pakikipagbaka sa maayos, tapat, at radikal na pamamahal.
Nararapat na malaman ng mga estudyante ang kanyang mga tinatago na na pagmamanipula sa atin na kapwa niya estudyante para matigil na ang pag impluwensya nya ng mga mali na paguugali.
ABANGAN….Tuldukan na natin ang lata na walang puso sa paglilingkod at puro lamang pagbubuhat bangko.